Anung Gagawin Sa Lagnat Ng 5 Yr Old Baby

Pagkonsulta sa doktor

Ano ang gagawin kung may lagnat ang inyong sanggol?

Lagnat ang mga unang babala ng pagkakasakit ng inyong beybi. Gayunman, isang sintomas lamang ng isang sakit ang lagnat. Para malaman kung nilalagnat ang beybi, kailangang kunin ang kanyang temperatura. Maaaring mainit o mas mapula sa karaniwan ang balat niya pero wala siyang lagnat. Maaari naming hindi siya mainit, pero asiwa siya, parang mas pagod, o kakaiba kaysa ang kanyang karaniwang kilos.

Kausapin ang doctor kung may lagnat ang inyong anak. Ito ang gusting malaman ng doctor:

  • Kung ano ang temperatura niya
  • Gaano katagal na siyang nilalagnat
  • Kung maayos ang pagkain niya
  • Kung nagsusuka siya
  • Kung nagtatae siya
  • Kung may rash siya
  • Kung nagbago ang kulay ng kanyang balat  


Marami kayong magagawa para mapaginhawa ang inyong beybi kung nilalagnat siya. Narito ang ilang mungkahi:

  • Bihisan siya ng damit na komportable pero hindi siya giginawin.
  • Hikayatin siyang uminom ng maraming fluid (gatas ng ina, baby formula , o tubig) para maiwasan ang dehydration (pagkawala ng body fluids) na maaaring mapanganib
  • Masuyong punasan ang katawan niya ng tuwalyang binasa sa maligamgam na tubig, at ilayo siya sa hangin at hamog
  • Bayaan siyang magpahinga
  • Bigyan siya ng mas maraming pagmamahal

Kausapin ang doctor ng inyong beybi tungkol sa pagbibigay ng anumang gamot. Kung mas matanda sa 3 buwan ang inyong beybi, maaaring magrekomenda ng acetaminophen (walang aspiring panlunas sa sakit) para mabawasan ang kanyang lagnat. Hindi inirerekomenda ang gamot na ito sa mga sanggol na wala pang tatlong buwan. Kung magbibilin ng gamot, mahalagang gamitin lamang ang daming ipinagbilin sa edad at timbang ng bata. Sundin ang iskedyul ng oras sa pagbibigay ng gamot na inirekomenda ng tagapangalaga ng kalusugan. Madalas na ang pagbibigay ng maraming gamot ay hindi mabilis na makapagpapagaling sa kanya. Maaari pa ngang makapagpalala sa kanya.  

back

Ano ang Sipon ?(Impeksyon sa Upper Respiratory )

Sipon ang pinakakaraniwang sakit sa mundo. Parang nakakatulad ito ng lagnat. Tinitira ng sipon ang ilong, nasal sinus, lalamunan at ang mga tubong hingahan (trachea at bronchi) Mga virus at bacteria ang dahilan ng sipon. Kapag tinamaan ang mga bahaging ito, magdudulot ito ng pag-uuhog, pagbabara ng ilong, pagbahing, pananakit ng lalamunan at pag-ubo. Maaari ring magkalagnat, lalo na kung may Flu .

  Sanhi ng Sipon

Virus ang dahilan ng sipon at lagnat. Maraming uri ng virus ang nagdudulot ng sipon, pero pinakilala ang mga rhinovirus (galing ang "rhino", ilong sa wikang Griyego; samakatwid, mga virus ng ilong). Samantala, influenza virus ang sanhi ng Flu o lagnat.
 

Pag-iwas at Lunas

Walang tunay na gamot sa sipon. Wala pang naiimbentong panlunas ang medisina. Hindi pa masyadong napoporbahan ang ang Vitamin C. Ang antibiotics naman ay panlaban sa mga bacteria . Hindi naman bacteria kundi virus ang sanhi ng sipon.

Pag-iwas ang pinakamainam na panlaban sa sipon, at kung hindi pa rin ito umubra, gamutin ang mga sintomas nito. Kailangang maging malinis para maiwasan ang sipon. At para hindi kumalat ang sipon, kailangang:

  • Iwasang makihalubilo sa mga tao sa panahong kasigiran ng sipon.
  • Dalasan ang paghuhugas ng kamay.
  • Itapon agad ang lahat ng mga tisyung ginamit sa pagsinga.
  • Takpan ang bibig at ilog ng tisyu kung umuubo o bumabahing.

Hindi talagang nagagamot ang sintomas ng sipon, pero gagaang ang pakiramdam ninyo habang nilalabanan ng katawan ang virus. Narito ang ilang paraan:

  • Magpahinga. Lalala ang sakit kung hindi ipapahinga, tatagal din ang panahon ng paggaling at maaari ka pang mabinat.
  • Uminom ng maraming fluid. Kailangang mga dalawang kwart sa isang araw. Iwasan ang maaalat na pagkain at mga sabaw. Maaari itong maging sanhi ng drainage .
  • Makipagkita sa doktor kung nagsusuka at nagtatae nang mahigit 8 oras; kung mahigit 102 degrees ang lagnat; kung sumasakit ang tainga; kung nangingiki; kung nahihirapang huminga; kung may rash sa balat; kung may plema ang ubo at sipon; kung hindi mapigil at masama ang tunog ng ubo.

back

Anung Gagawin Sa Lagnat Ng 5 Yr Old Baby

Source: http://www.hawaii.edu/filipino/Lessons/Pagkonsulta/Pagkonsulta.html

0 Response to "Anung Gagawin Sa Lagnat Ng 5 Yr Old Baby"

Post a Comment

Iklan Atas Artikel

Iklan Tengah Artikel 1

Iklan Tengah Artikel 2

Iklan Bawah Artikel